Sunday, December 15, 2013

My Writing Guide for PHR Part 3: PLOT

PLOT.

We often hear this in fiction writing or movies, but newbie writers sometimes have a vague idea of what it means. 

Not anymore. 

Now you'll UNDERSTAND what plot is. (Or bite me)

Ready?

Sunday, December 8, 2013

My Writing Guide for PHR Part 2: ANTAGONISTS

Maybe I should have discussed this together with CHARACTERS, but antagonists aren't always "people". Not always the evil one that exists only to mess up the protagonist's life. 

Ang kontrabida ay hindi laging isang karakter (isang goon na may hawak laging baril o isang socialite na makapal ang make-up at abot sa anit ang taas ng kilay). 

Also, as far as I know, they're not always as highlighted in romance novels as in other fictional genre so I'm not sure if I should talk about them. But in my opinion, antagonists add spice and tension to the romantic story, especially in the kind of romance I dig nowadays. They make great page-turners, more so when these villains remain mysterious from the beginning, revealing themselves only in the end.

You just gotta love 'em.

So why not try adding some to your story?

Thursday, December 5, 2013

My Writing Guide for PHR Part 1: CHARACTERS

Ang post na ito ay para sa mga nakapagpasa na ng manuscript (MS) sa PHR na ibinalik "For Revision" o kaya'y "Returned" (rejected). Naranasan ko rin ang makita ang mga katagang `yan sa e-mail ko kaya alam ko rin ang panghihinang dulot nito. 

Para bang nakipaghalikan ka ng five seconds sa isang Dementor—sinipsip ng walang pakundangan ang iyong kaligayahan, pag-asa, at tiwala sa sarili. Parang ayaw mo nang humarap sa Microsoft Word ulit.

Pero kung nais mo talagang maging writer ng PHR, kung gusto mong mai-published ang kuwento mo at makita ang "pen name" mo sa pabalat ng libro, haharapin mo ng buong tapang ang karimarimarim na pakiramdam na `yon.

Alam mo ba ang kasabihang "`pag gusto may paraan, `pag ayaw maraming dahilan"? Isa `yon sa mga motto ko. It's either you want something or you don't. But never think or say that YOU CAN'T.

At least, until you tried your very, very best.

Kaya kahit kapos ang aking kaalaman, susubukan kong magbigay ng writing tips—the ones I follow. Baka sakaling makatulong sa mga nahihirapan sa mga manuscript na isinusulat nila o para magka-ideya sa kung ano ba ang hinahanap ng PHR sa isang nobela. I think.

Again, the tips here are only based on my personal experience. Hindi assurance na makakapasa sa standard ng PHR kapag ginawa ninyo. But you'll have a fighting chance and you can create and improve your own "standards" for your manuscripts. 

Just take in what you think works for you. I'll start with characters first. Sa ibang blog post na siguro ang plots, conflict, etc., so if may question kayo or gustong malaman, comment lang kayo dito or sa FB page ni Olivette PHR. :)


Friday, August 9, 2013

Novel 3

Olivette's 3rd published novel. ☺




How Deep Is Your Love
By Olivette

“Even if you can’t be with the person you love, who can stop you from loving him?”

Dahil sa pagkamatay ng mga umampon kay Georgiana at para makapagsimula muli mula sa dating masalimuot niyang mundo ay naisip niya na bumalik sa Pilipinas sa piling ng lola niya. Doon ay nakilala niya si Torque, na puno ng pagkasuklam at ang tanging lalaking hindi naaapektuhan ng kanyang manipulasyon. Iniisip kasi nito na may motibo siya sa paglapit niya rito. Para makaganti, sa halip na layuan si Torque ay lalo niyang inilalapit ang sarili rito para inisin ito. Hanggang sa magbago ang pakikitungo sa kanya ni Torque mula nang mabaril siya dahil sa isang mistaken identity. Hindi man nito sabihin ay nararamdaman niya ang pag-aalala nito. Hanggang sa unti-unti ay nahulog na rin ang loob niya rito.
Maayos na sana ang buhay niya kung hindi lang bumalik ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. At kasabay niyon ay natuklasan niya kung sino ang kanyang tunay na ama. Handa na sana si Georgiana na sabihin kay Torque ang kanyang nakaraan pero huli na ang lahat, alam na nito ang lihim niya at kinamumuhian na siya nito…


*** 

May punto sa buhay ko na kinamuhian ko ang pocketbooks. Nabanggit ko na yata `to somewhere, pero hindi iyon ang gusto kong talakayin dito. It's about what made me embrace pocketbooks again. 

Dalawang authors lang ang binabasa ko noong nagbalik-loob ako sa "popular Tagalog romance"—Heart Yngrid and Arielle. Si Ms. Heart kasi magaan sa dibdib ang mga nobela niya. Nakakakilig at lahat yata puwedeng maka-relate. Kung may tinatawag na "comfort book", para sa akin iyon ang mga nobela ni Heart Yngrid. They always leave a warm feeling inside me. I know I can always count on her books to ease my stress. At ngayong isa na akong manunulat, ang mga libro niya ang madalas kong hinihimay at pinag-aaralan.

Si Ms. Arielle naman ang paborito kong author pagdating sa mga nobelang may "action". Iyong palaging exciting ang mga pangyayari at hindi pangkaraniwan ang mga karakter. Iyong tipong nanginginig-nginig pa ako kapag bumibili ng libro niya kasi alam kong maganda `yong laman. Para akong nagbabasa ng Filipino counterpart ng mga tinatangkilik kong foreign romance authors. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa ma-drama na mga nobela. Gusto ko iyong mga kakaibang conflict na maglalayo sa `kin sa realidad. At siguro kaya rin ako sumubok magsulat ng medyo—medyo pa lang naman, subok pa lang—ma-aksiyong nobela ay dahil napagtanto kong iyon ang gustong-gusto kong basahin. 

And so, this novel was born.

Medyo given na ang character ni Torque Aragon dahil buo na ang background ng pamilya niya because of his brothers' stories. I thought of giving him some deep dark secret that will lead to some action-packed stunts and love scenes, but it just wouldn't work. Kaya nag-switch na lang ako sa heroine. 

Kay Georgiana naman, inspired ang character niya kay Samantha Jellicoe, ang heroine ni Suzanne Enoch sa kanyang contemporary romance series. Medyo iba nga lang ang propesyon dito ni G, though may similarities. And G longs to touch her roots, unlike Sam who didn't really want to dwell on her past. Pero may pipigil dapat kay Georgiana para ma-achieve ang kapayapaan at ang ideal normal life niya. At matapos ang ilang buwang pagdurugo at pangangarap sa iba't ibang locations sa loob at labas ng bahay, nabuo na nga ang mga problema niya.

As usual, sumingit na naman ang Leighman International Hotel at si Mr. Perry de Vera. May mga nagtatanong kung may kuwento daw ba siya. May mga uma-angkin na rin. Bahala na kayong paghati-hatian. Pero ang sagot: Meron. Pero hindi pa ako sapat para paligayahin siya—este, para isulat siya. Higit sa lahat, takot akong ma-disappoint ang sarili ko kaya mangangalap pa ako ng experience at skills. Kaya maghintay ang kering maghintay. XD

All in all, I enjoyed *coughs* writing this story. And I think I'll do this from time to time. After all, brutal talaga akong tao. I was a fan of CSI and Criminal Minds back when I still have a TV to myself and I also love the gruesome scenes in Supernatural, so I might get their energy and transfer it to my works. 

Well, that's it. Hope you grab your copy. And for those who grabbed theirs, thank you. My undying gratitude goes to all of you. And feel free to comment anything that's bugging your mind about my novels, dito man o sa FB page ni Olivette, as posts or kahit sa PM. (Pasimple lang na hirit `yan, pero ang totoo nae-excite po kaming mga writers kapag nakakatanggap ng feedback tungkol sa mga libro namin. Maganda man o hindi. In time, may mapaggagamitan lahat nang `yan.) As for the next book... Balak kong tapusin ang kuwento ng mga napariwara—este, nag-hiatus na members ng Death Hellions. Then, dahil libre namang mag-ambisyon, isang trilogy sana. Nilagay ko na talaga rito para umusad na ako. Minsan kailangan lang talaga nababasa mo ang goals mo. Pressure, kumbaga. So far, effective naman. :D

See you sa the next blog post! ☺


Yours,

Olivette

Tuesday, July 23, 2013

Non-Coffee Break

Reverted to manual writing these past few weeks. Ang problema lang ay kapag encoding na, hindi ko na mabasa ang sinulat ko. :'( And as usual, binabaha na naman ako ng insecurities and frustrations. 

I'm mostly half-depressed, half-insane when I'm writing. Myself is always not cooperating. The people around me don't care what I'm doing. They don't take me seriously and they constantly encourage me to stop writing. But that's all my fault. Who'd want a bum in their house, anyway? I have to admit that sitting somewhere and scratching on paper or staring in space may seem to some as doing nothing. It makes one think of what things they could make you do just so you won't look like you're having a good time just sitting there.

Only I'm not "having a good time" just sitting there.

Well, I do enjoy thinking out what happens next to my stories. I try my best to concentrate, to capture the best scenes and dialogues for that story. And in the middle of all that noise and distraction, I'd be lucky if I can finish a scene in my mind. And then I would have to recapture those ideas on paper, which requires some more desperate scratching and intense concentration while simultaneously uttering a prayer that everyone just leave me alone when I'm not starting a conversation with them.

I'm months past the deadline I set myself. Thank goodness that at least the publisher was lenient on us and understood our circumstances. Still, I want to write faster and better. And yeah, I know blogging won't add up words on my manuscripts. I just gave myself a little break, that's all. Too bad I can't drink coffee. Mixed with stress, it'll just give me heartburn. 

Well, off to writing again. Even while wrestling tons of doubts and fears, I still go forward. It's all I can do.

Good morning. :)

Thursday, June 6, 2013

My FIFTY Cents on CROSSFIRE



DISCLAIMER: This is NOT a hate post for Crossfire. I don't like hating things, since I believe that only a thin line separates hating and loving. Sayang lang ang energy at time kung magpapadala sa uso. Pero matagal ko na kasi itong kinikimkim, at dahil sa halos puro tungkol sa Crossfire series ang laman ng FB news feed ko nitong nakaraan, hindi ko na napigilan. I will share my thoughts upon reading Bared to You for the first time:

I've read Bared to You out of curiosity at dahil na rin sa trail na iniwan ng Fifty Shades of Grey. And imagine my shock and amusement when I found striking similarities sa parehong book 1 ng dalawang series. As in naiba lang ang setting, character names, and other details... but it was like reading Fifty Shades all over again! I mean, what the hell? I haven't experienced so much deja vus in one book. To think na matagal-tagal na rin noong nabasa ko ang Fifty. Really gave me goosebumps.

I don't know if it's just me or if anybody noticed that. Or if it's possible to do something so similar with another book. It will be a cunning and ruthless move for Ms. Day or her publisher and an insult to intelligent readers, but... okay. I still give her the benefit of the doubt. Pakiramdam ko lang kasi na-tanso ako. :(

I agree na mas maayos ang pagkakagawa sa BtY kaysa sa FSoG. Sa track record pa lang ni Sylvia Day, wala na akong masasabi. But I was sort of turned off kaya hindi ko pa itinutuloy (yeah, I might, just to see if I get deja vus again) ang Crossfire series (sh*t, I'm starting to sound like PHR "reviewers/critics" XD1). 

Ako lang ba talaga o may nakapansin ng phenomenon na ito? If ako lang then alam kong kailangan ko nang bumalik sa 8:00 orange juice dahil nagha-hallucinate na ako sa tongue. Pero kung hindi, nakakalungkot ang mga pangyayari. :(

Iyon lang. Curious lang.


1   NOTE: Don't get me wrong, ha. I've said that I like having reviewers/commentators for Tagalog romance, if only to help writers up their game. :)

Thursday, May 16, 2013

Novel 2

Second novel released. ☺



A Love That Will Last
By Olivette

“I will take you as you are, Sin, fears and all.”

Ilang taon ang lumipas nang muling dumating sa buhay ni Sindy si Tanner. He was the man who saved her and gave her strength to fight her most formidable fears. Binigyan din siya nito ng lakas para hindi siya bumitiw sa larangang kinabibilangan at minahal niya—ang musika.
Ngayong kasama uli niya ito, aminado siyang nahuhulog na ang loob niya rito. Ganoon na lang ang kasiyahan niya nang sabihin nitong matagal na siyang minamahal nito.
Ngunit kailangan niyang umalis upang harapin ang nakaraang pilit niyang tinatakasan…


 ***

Hindi ko na gustong alalahanin kung paano ko naipanganak ang mga nobela ko. Basta lumabas na sila, masaya na ako.Bahala na ang mga mambabasa kung ano ang gagawin nila sa mga kuwentong nilikha ko. I'm not even getting depressed over people who didn't like what I've written. I could still write a thousand (weh?) books and one of them would definitely turn that hater into a fan (if my books hadn't grown on them already). Sabi nga sa favorite convo ko:

UKE: I'm not a homo.
SEME: Not for long.

Sh*t. Kinilig na naman ako. LOL. Same analogy for initial haters, I think. 

Anyway, nakaka-uta rin minsan na puro papuri ang maririnig tungkol sa libro mo. Hindi yata healthy `yon. Kaya sana dumami pa ang mga reviewers/critics na may blogs focusing on Tagalog romance novels. I'll also take this opportunity to thank those who reviewed my books. Hindi pa lang ako nakakakita ng review ng first book ko (nagpaparinig?).

This second book was probably the highest hurdle of my writing career (naks). Naka-tsamba lang ba ako sa una o talagang may kakayahan akong magsulat ng nobela? Ang libro na ito ang patunay ng kung ano man ang gusto kong patunayan sa sarili ko. Basta. I've left most of my fears behind because of this book. 

Na-mention ko nang ang inspirasyon sa Death Hellions ay ang banda ni Sawako-sensei sa K-ON!, ang Death Devil. Pili lang din ang metal songs na pinapakinggan ko, ang mga legend tulad ng The Trooper ng Iron Maiden ay nito ko lang napakinggan at na-appreciate. Hindi din naman ako nag-i-stick sa isang genre lang ng music. Though ang genre yata ni Justin Bieber ay hindi ko masyadong nagagawian (no worries, I've made my peace with him).

Hmm... What else can I say about this book? I really like the cover and the color and the caption—all thanks to the PHR staff. Madami akong sablay, pero helpful sila at accommodating palagi. Sana lang ang mga nagsa-submit ng manuscripts ay mag-extend ng parehong courtesy sa kanila. They are working hard (maybe harder) just like us.

Regarding the stories of the other Death Hellions members, as long as the Universe is good to me, I'll write them. I am writing them, actually. They're in bits and pieces. Kung puwede lang buksan ang bungo ko at itaktak lahat ng ideas, tapos magiging written words na agad ang katas ng utak ko sa papel, ginawa ko na. Kahit pa sabi ng PE instructor ko noong college na pang-baseball daw ang braso ko, parang bibigay na ang balikat ko sa pagsusulat pa lang. Pero wala, eh. Parang pinagsamang droga at pag-ibig ang high ng writing.

May mga pumuna sa mga kids sa mga nobela ko. Para daw silang si Ryzza Mae Dizon. Hahaha. Eh, ganoon na yata talaga kabibo ang mga bata ngayon. Mga pamangkin ko ang basehan sa mga batang characters at sa totoo lang ay ganoon talaga sila. Lalo na kapag pinag-aral mo sa private school, ay nako. Magkaka-hemorrhage ka palagi kapag may convo kayo.

So, what's next? Torque's story. Medyo ambisyosang attempt ito na paghaluin ang romance at action. Iyon talaga ang genre na target ko noon pa man. Kapag nagbabasa kasi ako, gusto ko `yong mga kontrabidang gahibla na lang ay mapapatay na ang bida. Intense, `di ba? Ironically, hindi ganoon ang first two books ko. But I'm open to all kinds of sub-genres in romance. As long as it's challenging (no, don't challenge me). 

Thank you, as always, sa mga sumusuporta sa akin. Hindi lang ako masyadong ma-chika tungkol sa mga libro ko o sa mga characters, but knowing you've read them (especially, bought them) warms my heart and keeps me going.

See you in the next book... Simone's story, perhaps? What does a lead guitarist do with her life when she isn't rocking the stage with her leads?Hmm...


Yours Truly,
Olivette