Thursday, May 16, 2013

Novel 2

Second novel released. ☺



A Love That Will Last
By Olivette

“I will take you as you are, Sin, fears and all.”

Ilang taon ang lumipas nang muling dumating sa buhay ni Sindy si Tanner. He was the man who saved her and gave her strength to fight her most formidable fears. Binigyan din siya nito ng lakas para hindi siya bumitiw sa larangang kinabibilangan at minahal niya—ang musika.
Ngayong kasama uli niya ito, aminado siyang nahuhulog na ang loob niya rito. Ganoon na lang ang kasiyahan niya nang sabihin nitong matagal na siyang minamahal nito.
Ngunit kailangan niyang umalis upang harapin ang nakaraang pilit niyang tinatakasan…


 ***

Hindi ko na gustong alalahanin kung paano ko naipanganak ang mga nobela ko. Basta lumabas na sila, masaya na ako.Bahala na ang mga mambabasa kung ano ang gagawin nila sa mga kuwentong nilikha ko. I'm not even getting depressed over people who didn't like what I've written. I could still write a thousand (weh?) books and one of them would definitely turn that hater into a fan (if my books hadn't grown on them already). Sabi nga sa favorite convo ko:

UKE: I'm not a homo.
SEME: Not for long.

Sh*t. Kinilig na naman ako. LOL. Same analogy for initial haters, I think. 

Anyway, nakaka-uta rin minsan na puro papuri ang maririnig tungkol sa libro mo. Hindi yata healthy `yon. Kaya sana dumami pa ang mga reviewers/critics na may blogs focusing on Tagalog romance novels. I'll also take this opportunity to thank those who reviewed my books. Hindi pa lang ako nakakakita ng review ng first book ko (nagpaparinig?).

This second book was probably the highest hurdle of my writing career (naks). Naka-tsamba lang ba ako sa una o talagang may kakayahan akong magsulat ng nobela? Ang libro na ito ang patunay ng kung ano man ang gusto kong patunayan sa sarili ko. Basta. I've left most of my fears behind because of this book. 

Na-mention ko nang ang inspirasyon sa Death Hellions ay ang banda ni Sawako-sensei sa K-ON!, ang Death Devil. Pili lang din ang metal songs na pinapakinggan ko, ang mga legend tulad ng The Trooper ng Iron Maiden ay nito ko lang napakinggan at na-appreciate. Hindi din naman ako nag-i-stick sa isang genre lang ng music. Though ang genre yata ni Justin Bieber ay hindi ko masyadong nagagawian (no worries, I've made my peace with him).

Hmm... What else can I say about this book? I really like the cover and the color and the caption—all thanks to the PHR staff. Madami akong sablay, pero helpful sila at accommodating palagi. Sana lang ang mga nagsa-submit ng manuscripts ay mag-extend ng parehong courtesy sa kanila. They are working hard (maybe harder) just like us.

Regarding the stories of the other Death Hellions members, as long as the Universe is good to me, I'll write them. I am writing them, actually. They're in bits and pieces. Kung puwede lang buksan ang bungo ko at itaktak lahat ng ideas, tapos magiging written words na agad ang katas ng utak ko sa papel, ginawa ko na. Kahit pa sabi ng PE instructor ko noong college na pang-baseball daw ang braso ko, parang bibigay na ang balikat ko sa pagsusulat pa lang. Pero wala, eh. Parang pinagsamang droga at pag-ibig ang high ng writing.

May mga pumuna sa mga kids sa mga nobela ko. Para daw silang si Ryzza Mae Dizon. Hahaha. Eh, ganoon na yata talaga kabibo ang mga bata ngayon. Mga pamangkin ko ang basehan sa mga batang characters at sa totoo lang ay ganoon talaga sila. Lalo na kapag pinag-aral mo sa private school, ay nako. Magkaka-hemorrhage ka palagi kapag may convo kayo.

So, what's next? Torque's story. Medyo ambisyosang attempt ito na paghaluin ang romance at action. Iyon talaga ang genre na target ko noon pa man. Kapag nagbabasa kasi ako, gusto ko `yong mga kontrabidang gahibla na lang ay mapapatay na ang bida. Intense, `di ba? Ironically, hindi ganoon ang first two books ko. But I'm open to all kinds of sub-genres in romance. As long as it's challenging (no, don't challenge me). 

Thank you, as always, sa mga sumusuporta sa akin. Hindi lang ako masyadong ma-chika tungkol sa mga libro ko o sa mga characters, but knowing you've read them (especially, bought them) warms my heart and keeps me going.

See you in the next book... Simone's story, perhaps? What does a lead guitarist do with her life when she isn't rocking the stage with her leads?Hmm...


Yours Truly,
Olivette

No comments:

Post a Comment