How Deep Is Your Love
By Olivette
“Even if you can’t be with the person you love, who can stop you from loving him?”
Dahil sa pagkamatay ng mga umampon kay Georgiana at para makapagsimula muli mula sa dating masalimuot niyang mundo ay naisip niya na bumalik sa Pilipinas sa piling ng lola niya. Doon ay nakilala niya si Torque, na puno ng pagkasuklam at ang tanging lalaking hindi naaapektuhan ng kanyang manipulasyon. Iniisip kasi nito na may motibo siya sa paglapit niya rito. Para makaganti, sa halip na layuan si Torque ay lalo niyang inilalapit ang sarili rito para inisin ito. Hanggang sa magbago ang pakikitungo sa kanya ni Torque mula nang mabaril siya dahil sa isang mistaken identity. Hindi man nito sabihin ay nararamdaman niya ang pag-aalala nito. Hanggang sa unti-unti ay nahulog na rin ang loob niya rito.
Maayos na sana ang buhay niya kung hindi lang bumalik ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. At kasabay niyon ay natuklasan niya kung sino ang kanyang tunay na ama. Handa na sana si Georgiana na sabihin kay Torque ang kanyang nakaraan pero huli na ang lahat, alam na nito ang lihim niya at kinamumuhian na siya nito…
***
May punto sa buhay ko na kinamuhian ko ang pocketbooks. Nabanggit ko na yata `to somewhere, pero hindi iyon ang gusto kong talakayin dito. It's about what made me embrace pocketbooks again.
Dalawang authors lang ang binabasa ko noong nagbalik-loob ako sa "popular Tagalog romance"—Heart Yngrid and Arielle. Si Ms. Heart kasi magaan sa dibdib ang mga nobela niya. Nakakakilig at lahat yata puwedeng maka-relate. Kung may tinatawag na "comfort book", para sa akin iyon ang mga nobela ni Heart Yngrid. They always leave a warm feeling inside me. I know I can always count on her books to ease my stress. At ngayong isa na akong manunulat, ang mga libro niya ang madalas kong hinihimay at pinag-aaralan.
Si Ms. Arielle naman ang paborito kong author pagdating sa mga nobelang may "action". Iyong palaging exciting ang mga pangyayari at hindi pangkaraniwan ang mga karakter. Iyong tipong nanginginig-nginig pa ako kapag bumibili ng libro niya kasi alam kong maganda `yong laman. Para akong nagbabasa ng Filipino counterpart ng mga tinatangkilik kong foreign romance authors. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa ma-drama na mga nobela. Gusto ko iyong mga kakaibang conflict na maglalayo sa `kin sa realidad. At siguro kaya rin ako sumubok magsulat ng medyo—medyo pa lang naman, subok pa lang—ma-aksiyong nobela ay dahil napagtanto kong iyon ang gustong-gusto kong basahin.
And so, this novel was born.
Medyo given na ang character ni Torque Aragon dahil buo na ang background ng pamilya niya because of his brothers' stories. I thought of giving him some deep dark secret that will lead to some action-packed stunts and love scenes, but it just wouldn't work. Kaya nag-switch na lang ako sa heroine.
Kay Georgiana naman, inspired ang character niya kay Samantha Jellicoe, ang heroine ni Suzanne Enoch sa kanyang contemporary romance series. Medyo iba nga lang ang propesyon dito ni G, though may similarities. And G longs to touch her roots, unlike Sam who didn't really want to dwell on her past. Pero may pipigil dapat kay Georgiana para ma-achieve ang kapayapaan at ang ideal normal life niya. At matapos ang ilang buwang pagdurugo at pangangarap sa iba't ibang locations sa loob at labas ng bahay, nabuo na nga ang mga problema niya.
As usual, sumingit na naman ang Leighman International Hotel at si Mr. Perry de Vera. May mga nagtatanong kung may kuwento daw ba siya. May mga uma-angkin na rin. Bahala na kayong paghati-hatian. Pero ang sagot: Meron. Pero hindi pa ako sapat para paligayahin siya—este, para isulat siya. Higit sa lahat, takot akong ma-disappoint ang sarili ko kaya mangangalap pa ako ng experience at skills. Kaya maghintay ang kering maghintay. XD
All in all, I enjoyed *coughs* writing this story. And I think I'll do this from time to time. After all, brutal talaga akong tao. I was a fan of CSI and Criminal Minds back when I still have a TV to myself and I also love the gruesome scenes in Supernatural, so I might get their energy and transfer it to my works.
Well, that's it. Hope you grab your copy. And for those who grabbed theirs, thank you. My undying gratitude goes to all of you. And feel free to comment anything that's bugging your mind about my novels, dito man o sa FB page ni Olivette, as posts or kahit sa PM. (Pasimple lang na hirit `yan, pero ang totoo nae-excite po kaming mga writers kapag nakakatanggap ng feedback tungkol sa mga libro namin. Maganda man o hindi. In time, may mapaggagamitan lahat nang `yan.) As for the next book... Balak kong tapusin ang kuwento ng mga napariwara—este, nag-hiatus na members ng Death Hellions. Then, dahil libre namang mag-ambisyon, isang trilogy sana. Nilagay ko na talaga rito para umusad na ako. Minsan kailangan lang talaga nababasa mo ang goals mo. Pressure, kumbaga. So far, effective naman. :D
See you sa the next blog post! ☺
Yours,
Olivette
No comments:
Post a Comment