Wednesday, April 23, 2014

Novel 4


Miss You In A Heartbeat
By Olivette


“Abot-kamay na kita. And I couldn’t stop myself from planning and plotting about how to keep you beside me. Because the moment I touched you, the moment I felt how real you are… I decided that I want to keep you next to me. Always.”

Kung si Simone ang tatanungin, wala nang masarap na karanasan na hihigit pa kaysa pag-ibig. Kaya naman ang una niyang ginawa nang mahinto sa pagtugtog ang kanyang banda ay ang makipag-date. Pero sa halip na makaramdam ng excitement, lalo siyang nabagot.
Hanggang sa muling magtagpo ang mga landas nila ni Jethro Castillo, ang tanging lalaking nagbigay ng hustisya sa kahulugan ng “love at first sight” sa diksiyonaryo ng dalaga. She fell for him faster than she could blink. Iyon nga lang, hindi rin nagtagal dahil napagtanto ni Simone na kasinlawak ng Pacific Ocean ang mga pagkakaiba nila. Mas incompatible pa yata sa gatas at isang lactose-intolerant.
Pero nang humingi si Jethro ng tulong ay pinagbigyan ni Simone. After all, his family helped her family some years ago. Subalit hindi niya inaasahan ang epekto ng binata sa kanya. Dahil habang tumatagal na magkasama nilang hinaharap ang bawat hamon sa kanila, napapagtanto niya na may mga ipinagkakapareho at pinagkakasunduan pala sila. And if opposite poles get attracted to each other, so were they…


 ***
Ito ang nobelang nilamay ko kasabay ng pagpapabalik-balik ko sa ospital at matapos ang surgery ko. Hindi `yong sakit ko `yong concern ko noon, eh. Ito talaga `yong sobrang pino-problema ko. LOL.

Wala lang. Naalala ko lang `yong `di ko iniinda ang sakit sa lalamunan ko, basta type lang ng type ang mga kamay ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko `yon. Ganon daw naman kasi talaga dapat, sabi ni Doc. Kailangang pilitin ko ang sarili ko na maka-recover. Na gumalaw-galaw at maging normal ulit para mas mabilis maghilom ang sugat. And with what happened, I realized something about me.

Wala na palang kahit anong makakapigil sa `king magsulat.

Basta gusto mo, magagawa mo. Just work hard and focus on your goals. Kung talagang mahal mo, pinaglalaanan mo ng oras ano man ang ginagawa mo. Sakto naman dahil wala na yatang umiikot sa utak ko araw-araw kung `di ang kung ano mang nobela na pinagkakaabalahan ko.

Nakakaloka madalas. Nakakabaliw. Parang sasabog ang utak mo na hindi mo maintindihan kasi magtatanong ka tapos ikaw din ang sasagot. Bibigyan mo ng problema ang characters, ng flaws, pero sa huli dapat ay may redemption din. Ikaw din ang magbibigay ng solusyon.

Kaya siguro ako inaabot ng siyam-siyam sa pagsusulat dahil malalim ang hinuhukay ko. Madalas, iyong mga emosyon ay hindi ko pa nararamdaman. Tapos ilalagay mo sa karakter mo at i-imagine-in kung ano ang magiging reaksiyon niya. Gumagawa ka ng sarili mong drama. Isang maliit na mundo na pansamantala mong titirahan habang hinahagilap ang mailap na WAKAS.

And then there's LOVE, OMG! Paano ko iyon bibigyan ng hustisya? Romance ang sinusulat ko, pero sa totoong buhay ay hindi naman ako masyadong romantikong tao. I'm usually cynical and jaded. Pero sa romance, bubuhayin ko dapat ang damdamin ng aking dating inosenteng puso. Ang ako na marunong pang kiligin sa sweet nonsense. Tapos iyong maturity na inaasam ko rin, kailangan `ding ma-reflect sa nobela. 

Magpapakabata at mature at the same time? Sino na ang baliw?

Pambihirang `yan. Ang daling basahin ng romance, `no? Pero ang totoo, parang hinihigop ng blackhole ang author kapag isinusulat na niya `yan. Siguro mayroong madaling kuwento, pero habang tumatagal mas inaasam mo na gumawa ng bago. Iyong ikaw mismo ma-e-excite. Kasi kung hindi ka masaya sa ginagawa mo, kung wala kang maibibigay na bahagi ng puso mo sa nobela mo, nagsulat ka pa?

Kaya abutin na ng siyam-siyam. Ang mahalaga, hindi ko binigo ang characters ko. Alam ko na masaya sila. At ano man ang mangyaring epilogue, makakaya nila. O, `di ba?

Enjoy reading!


Love,
Olivette ♥

5 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Got my copy of that book yesterday. Hope I can read it a s a p. xo

    ReplyDelete
  3. I agree on this one. Madaling basahin pero super hirap isulat!

    ReplyDelete