First novel released. ☺
Ready To Love Again
By: Olivette
“Love is when
you are extremely aware of that person’s presence. You see the world
through his eyes. You long to have a connection with him. You want to
know almost everything about him.”
In
love si Celine sa kababata niyang si Thunder pero ang lalaki ay in love
naman kay Maureen na girlfriend ng kapatid nito. Nang malaman niya iyon
ay nakaramdam siya ng awa rito. Pero dahil engaged na si Maureen sa
kuya ni Thunder, naisip niyang tulungan na lang si Thunder na
makalimutan ang nararamdaman nito sa babae. Mukha namang nagtatagumpay
siya. Kaya nang isang gabing sabihin nito na mahal siya nito, hindi siya
nagduda. After all, ikakasal na si Maureen sa kapatid nito.
Ngunit isang trahedya ang naganap. Naaksidente ang kapatid ni Thunder sa araw ng kasal nito at ni Maureen. Labis na nagdalamhati si Maureen at si Thunder ang dumamay rito. Hanggang namalayan niyang unti-unting nawawala si Thunder sa kanya.
Sa nakikita niya, mukhang may pag-asa na si Thunder kay Maureen. Pero paano siya at ang puso niya na nagsimula nang umasa?
Ngunit isang trahedya ang naganap. Naaksidente ang kapatid ni Thunder sa araw ng kasal nito at ni Maureen. Labis na nagdalamhati si Maureen at si Thunder ang dumamay rito. Hanggang namalayan niyang unti-unting nawawala si Thunder sa kanya.
Sa nakikita niya, mukhang may pag-asa na si Thunder kay Maureen. Pero paano siya at ang puso niya na nagsimula nang umasa?
***
Hindi talaga ito ang first book na pinapangarap kong ma-published ng PHR. Ito `yong sequel, eh. Kaso na-reject iyong isa dahil bordering on homosexuality `yong hero. LOL. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nababalikan. That was supposed to be Toulouse's story, ang friend ni Thunder. Pero ginagawa ko pa lang ang nobela na `yon ay tumatak na sa isip ko ang conflict ng story ni Thunder. Isa ito sa mga stories na masasabi kong galing talaga sa isang kidlat ng inspirasyon.
Palaging may issues ang readers sa mga kakaibang pangalan ng hero o heroine. Bakit Thunder? Who the heck would name their kid that without inspiring a rally from their relatives or friends? But others did worse, so... *shrugs*
"Thunder" kasi, iyong song ni Faith Hill na Piece of My Heart (originally by Janis Joplin), noong pinakinggan ko iyong medyo slow at diva version niya, ang pagkakarinig ko sa first word ay 'thunder'. But it's actually "Didn't I...". Amazing ears, right? Hahaha. Pero pakinggan n'yo `yong version na `yon ni Faith Hill (not the one similar to Janis' version). Thunder talaga, eh. So, `yon ang kasaysayan ng pangalan ni Thunder.
Ang mga writers mahilig maglagay ng mga favorite things, people, and places sa libro nila. Ang sa akin ay ang Leighman International Hotel at ang may-ari n'on—si Perry de Vera. May kuwento na actually sa akin si Perry, pero hilaw pa. Bakit ko siya paborito? `Cause he's my oldest hero. Hahaha. There's something about older men. As they say, they're like fine wine.
This book was returned once dahil masyadong bata iyong mga bida. Nang ma-approved siya ay ito na ang basehan ko sa kung ano ba ang standards ng PHR sa pagsuri ng nobela. Parang na-enlighten ako sa kung ano mang hinahanap nila sa isang libro. Mas naging pressured tuloy dahil baka ito na ang first and last novel ko.
Tulad nang usapan namin sa FB ng isang co-writer ko, paulit-ulit ko itong binasa noong nakakuha na ako ng copy. Gusto ko kasing maramdaman iyong nararamdaman ng isang reader sa pagbasa ng isang libro. I pretended not to know what the story was about, but I was still biased until the end. That made me sad. Not being able to read your own novel the way a first time reader would, I felt off-balanced for a while. May nakuha nga ako sa pagka-published ng libro ko, pero pakiramdam ko ay may nawala rin sa akin. :(
Tungkol sa dramatic part, may mga readers daw na naiyak. Mabuti naman dahil iniyakan ko rin ang ilang bahagi nito. Hahaha. Hindi ko akalaing kailangang mag-internalize. Akala ko mga artista lang ang gumagawa n'on. Writer din pala. At proud ako na maayos ang kinalabasan ng librong ito.
Sa mga tumangkilik sa first book ko, especially to a friend who purchased 50 copies to give away to her staff, I can't thank you guys enough. If this book had brought something significant to your lives, even for just a moment, consider that as another form of my gratitude.
I hope I get back to Toulouse someday. Kyle, Celine's brother, has a story waiting, too. ;)
Yours Truly,
Olivette
Congratulations Liya :)
ReplyDeleteHello, Cristine. Thanks. Long time no chat. Hope you've been doing well. How's the workshop? Just keep the manuscripts coming, okay? Take care. :)
DeleteHi Liya,
DeleteSent my manuscript yesterday together with a copy of my resume thru email. The workshop was great :) 'glad I joined.
Are you working on a new novel right now? Ganda ng names ng characters mo,(sa 1st novel)very unique. For sure bibili ako ng next book mo. :)
Good luck on your novel! Yeah, I'm doing the next one. Though it may take me forever. I'm a slow writer, eh. XD Thank you. I'm going to do my best. I'm looking forward to your story, too. :)
Delete