Tuesday, November 3, 2015

Love Ba `To?

Naalala ko ang komento ko dati tungkol sa pagsasabi ng 'AlDub you' ‘I love you’. 

Sa totoong buhay, marami pang kailangang patunayan ang sino mang magbibitiw ng mga salitang ito. 

Paulit-ulit, sa bawat pagkakataon, at madalas ay hanggang kamatayan. 

Walang silbi ang mga ito kung walang kalakip na gawa, kung hindi mo ramdam.

Parehas din sa nobelang romance.

Kailangang maipakita kung paano naganap ang pagmamahalan, kailangang madama ng mambabasa.

Dahil kung hindi, ang salitang 'AlDub you' 'I love you' at ang iba pang anyo nito, ay walang silbi. 

Mababaon lang.

Malilimutan.